-- Advertisements --

Tinalo ni World 23 Naomi Osaka si Coco Gauff sa nagpapatuloy na US Open.

Nakuha ni Osaka ang 6-3, 6-2 na score para makaabot sa quarterfinals.

Mula sa simula ay dominado ng 27-anyos na si Osaka ang laro kung saan hindi nakaporma si World number 3 sa laro na ginanap sa Arthur Ashe Stadium.

Itinuturing ni Osaka na ito na ang pinakamagandang laro niya mula ng bumalik ito sa torneeo matapos ang 17 buwan na maternity leave at nagsilang noong Hulyo 2023.

Target nitong makuha ang kampeonato kung saan nagkampeon ito sa US Open noong 2018 at 2020 ganun din sa Australian Open noong 2019 at 2021.

Susunod na makakaharap nito sa quarterfinals si Karolina Muchova ng Czech Republic.