-- Advertisements --

Lumakas pa at naging severe tropical storm ang bagyong Nando.

Base sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 840 kilometro ng silangang bahagi ng Central Luzon.

May taglay ito ng lakas na hangin ng 95 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 115 kph.

Inaasahang nasa Extreme Northern Luzon na ang bagyong Nando pagdating araw ng Sabado, Setyembre 20.

Maaring mag-landfall naman na ito sa araw ng Lunes , Setyembre 22 sa Babuyan Island.

Ibinabala ng Pag-asa na mapanganib pa rin ang paglayag sa mga karagatang sakop na binabagtas ng nasabing bagyo.