Nakatakdang humarap ngayong araw sa Manhattan Criminal Court judge ang suspek na nambugbug sa 65-anyos na Pinay sa New York.
Una nang kinilala ng pulisya ang lalaking suspek na si Brandon Elliot, 38, na natunton sa isang video kung saan ilang beses niyang tinadyakan ang Pinay sa ulo at iba pang parte ng katawan noong March 29 malapit sa Times Square sa Manhattan.
Nitong nakalipas na Marso 31 naman nang maaresto ito ng mga otoridad.
Lumabas sa record ng pulisya na nasa parole pala ito at nakulong na rin dahil sa pagpatay sa kanyang sariling ina.
Ayon sa Chinese American Citizens Alliance of Greater New York, hindi sana mangyayari ang naturang pananakit kay Vilma Kari, isang immigrant mula sa Pilipinas, kung ito pinalaya.
Sinasabing lalo pang tumaas ang record ng mga hate crimes laban sa Asian Americans.