-- Advertisements --

Umabot na sa 11,848 overseas Filipino workers (OFWs) na natengga sa mga quarantine facilities sa Metro Manila ang nakauwi na sa kani-kanilang lugar simula simula noong Linggo hanggang kahapon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, itoy alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang makauwi ang nasa 24,000 OFWs na natengga sa mga quarantine facilities ng halos isang buwan kahit sumailalim na sa 14-days quarantine period pero wala pang resulta ng PRC test.

Ayon kay Sec. Roque, dapat lamang na tanggapin ng bawat lokal na pamahalaan ang mga pinauwi nang mga repatriated OFWs lalo na negatibo na ang resulta ng kanilang COVID-19 test.

Maari naman umanong sumailaim muli sa 14-day quarantine ang mga naturang OFWs sa mga barangay health facilities ng bawat local government units (LGUs) para malapit na lamang ang mga ito sa kanilang mga pamilya.