Binungkal ng magkasanib na pwersa ng Marikina City at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga naiwang basura ng bagyong Ulysses.
Magugunitang isa ang Marikina sa nakaranas ng matinding pagbaha, maliban pa sa malakas na hanging dala ng nagdaang bagyo.
Bago ito, nagpulong muna kanina sina Mayor Marcy Teodoro at MMDA Chairman Danilo Lim sa gagawing clean up drive.
Aminado naman ang nagtulong-tulong na street sweepers at volunteers na hirap sila sa pagtanggal ng mga kalat .
Kaya minabuti na rin nilang paganahin ang mga heavy equipment ng MMDA.
Dito ay inaasahang matatanggal ang mahigit 100,000 toneladang basura, na katumbas ng para sa isang taon na garbage collection.
Nagpahirap pa sa pag-alis ng mga kalat, ang pagkakababad ng mga ito sa putik.
Nagbabala naman ang local health officials na kasabay ng paglilinis, tiyakin pa rin dapat ang pag-iingat laban sa leptospirosis at iba pang sakit.