-- Advertisements --
image 123

Muling nakaranas ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng panibagong power outage ngayong araw, Hunyo 9 sa ikatlong pagkakataon sa nakalipas na anim na buwan.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) spokesperson Jonathan Gesmundo na nangyari ang brownout sa may NAIA Terminal 3 dakong 12:15 pm.

Agad namang naibalik ng mga awtoridad ang suplay ng kuryente dakong 12:30 pm gamit ang generator at ganap na napanumbalik ang kuryente bandang 1:29 pm.

Ayon sa Manila International Airport Authority, ni-reboot na ang air conditioning units.

Inaalam pa ng MIAA ang dahilan ng nangyaring power outage na nagdulot ng pansamantalang pagkaparalisa ng operasyon ng NAIA.

Tinutukoy na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang bilang ng mga naapektuhang flights dahil sa power outage.

Kung matatandaan unang nakaranas ng airspace shut down noong mismong New year’s day nang makaranas ng power outage ang Philippine air traffic management center (ATMC) dahil sa aberya sa kanilang equipment kung saan aabot sa 300 flights at 65,000 pasahero ang naapektuhan.

Sinundan pa ito noong mismong Labor day o May 1 kung saan nagkaroon ng power outage sa NAIA Terminal ng ilang oras kung saan naapektuhan ang nasa 50 flights at 9,000 passengers.