ULAN Nadine Lustre
IMAGE | Nadine Lustre as Maya in the film “Ulan,” directed by Irene Villamor/Screengrab, VIVA Films

Humakot ng parangal mula sa ikalawang taon ng Asian Academy Creative Awards ang 2019 Pinoy fantasy-drama movie na “Ulan.”

Itinanghal na Best Actress at Best Actor ang mga bida nitong sina Nadine Lustre at Carlo Aquino.

Nakuha rin ng pelikula ang technical awards para sa Best Feature, Best Direction, Best Cinematography, Best Original Screenplay at Best Sound.

Bukod sa larangan ng pelikula, ilang programa at aktor din sa telebisyon ang nanalo gaya nina Tirso Cruz III, Michael V at Dimples Romana.