Nadal and Thiem
Nadal and Thiem

Pasok na sa third round ng Australian Open si tennis star Rafael Nadal.

Ito ay matapos talunin ng Spaniard tennis star si Federico Delbonis sa score na 6-3, 7-6(4) at 6-1.

Target ni Nadal na makuha ang ikalawang Australian Open Title sa loob ng 11 taon at susunod na makakaharap nito ang kababayang si Pablo Carreno Busta.

Nahirapan naman si Dominic Thiem na makapasok sa ikatlong round sa kamay ni Alex Bolt.

Nakuha ng fifth seeded Austrian tennis star ang score na 6-2, 5-7, 6-7(5), 6-1 at 6-2.

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Kevin Anderson at Taylor Fritz.