BAGUIO CITY – Natagpuan ang isang naaagnas na bangkay na lumulutang sa isang ilog sa Gawana, Tocucan, Bontoc, Mountain Province.

Base sa ulat, agad itong inilibing sa Bontoc-Kalinga National Road sa pagitan ng Barangay Tocucan, Bontoc, Mountain Province at Barangay Anabel, Sadanga, Mountain Province.

Nagdesisyon ang mga opisyal sa nasabing lugar sa pangunguna ni Punong Barangay Wilber Padngaran at Dra. Diga Kay Gomez ng Municipal Health Office na agad na ilibing ang naaagnas na bangkay.

Natagpuan ang hindi pa nakilalang bangkay sa pamamagitang ng mga personnel ng Mountain Province Provincial Crime Laboratory Office, Sadanga Municipal Police Station, BFP-Sadanga, lokal na pamahalaan ng Mountain Province at mga concerned citizens.

Kahit nailibing na ang bangkay ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan nito.