-- Advertisements --

Magsasagawa ng general elections sa kauna-unahang pagkakataon ang Myanmar.

Ayon sa military government na isasagawa ang nasabing pulong sa darating na Disyembre 28.

Ito ang kauna-unahang halalan na isasagwa mula ng kontrolin ng military junta ang gobyerno matapos ang maganap na kudeta noong 2021.

Sa nasabing kudeta ay nagresulta sa pagkakakulong sa elected leader na si Aung San Sung Kyi.

Mayroon ng 55 na partido ang nagparehistro para sa halalan.

Tiniyak naman ni Junta leader Min Aung Hlaing na ang halalan ay magiging patas at malaya ang mga botante na ihalal ang nais nilang lider.