-- Advertisements --

Hiniling ni Veronica “Kitty” Duterte sa Korte Suprema na resolbahin ang petisyon ng agarang pagpapauwi sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Salvador Panelo, na naghain na sila ng urgent motion para maresolba at atasan ang gobyerno ng Pilipinas na ayusin ang pagpapauwi sa dating pangulo.

Dagdag pa ni Panelo, na nagkakaroon ng hindi magandang resulta ang matagal ng pananahimik ng Korte Suprema sa petisyon nila laban sa pagkakaaresto at paglipat kay Duterte sa International Criminal Court.

Nakasaad sa mosyon ang pagpapauwi rin ng Piliipnas kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr mula sa Timor-Leste.