-- Advertisements --
Muling nagsagawa ang US military ng panibagong airstrike sa isang bangka na may dalang iligal na droga.
Kinumpirma ng US Southern Command ang ika-21 na aristrike kung saan mayroong tatlong katao ang nasawi.
Ang nasabing bangka ay nagdadala ng droga sa Eastern Pacific at tinamaan nila ito sa international waters.
Mula noong Setyembre ng pinaigting ng US ang airstrikes sa mga bangka na may iligal na droga ay umabot na sa 83 katao na ang nasawi.
















