Iginiit ng Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) na si Dr. Jose Goitia na dapat mayroon ebidensya si former Ako Bicol Rep. Zaldy Co ukol sa kanyang inilabas na ‘revelation video’.
Naniniwala si Goitia na kinakailangan magpakita ni Co ng patunay kaugnay sa pagdawit niya kina President Ferdinand Marcos Jr. at former House Speaker Martin Romualdez sa isyu ng korapsyon.
Sa ikalawang video na inilabas ng mambabatas, naniniwala siyang mistulang paglikha lamang ito ng ingay o ‘theatrics’.Kung kaya’t pinaalala ni Dr. Goitia na ang ganitong uri ng pahayag o itinuturing na ‘drama’ ay siyang di’ isang ebidensya.
Giit pa niya’y kulang ang ‘video’ at dapat ito’y may kasamang dokumento na beripikado para maging kapanipaniwala.
Sa inilabas kasing ‘part two’ ng ‘revelation video’ ni Co ay kanyang isiniwalat ang pag-deliver ng male-maletang pera ipinadala umano kina Pangulong Marcos at former House Speaker Romualdez.
Ngunit magugunitang sinabi na rin ng Department of Justice na ang mga alegasyon o pahayag ni Zaldy Co ay di’ makakaapekto sa imbestigayon hangga’t hindi isinusumite sa kagawaran.
Kung kaya’t binigyang diin ni Dr. Gotia na kung totoo ang paratang ng dating mambabatas ay dapat niyang ilahad ang mga ito sa bansa.
















