-- Advertisements --

Nananatiling sarado pa rin sa publiko ang Louvre Museum sa Paris matapos ang naganap na nakawan.

Nakuha ng mga kawatan ang walong mga kakaiba at mamahaling uri ng mga alahas.

Base sa imbestigasyon na sinabayan ng mga suspek ang pagbubukas ng museum dakong alas-9:30 ng umaga.

Gumamit ang apat na suspek ng sasakyan na may mechanical lift para makapasok sa Galerie d’Apollon sa pagitan ng balcony malapit sa River Seine.

Dalawa sa mga suspek ang nakapasok sa pamamagitan ng pagsira ng bintana gamit ang power tools.

Tinakot nila ang mga guwardiya bago binasag ang dalawang display na naglalaman ng mga alahas.
Isinagawa ang pagnanakaw ng apat na minuto at tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang scooters.

Ilan sa mga ninakaw ay ang emerald necklace at isang pares ng hikaw mula kay Empress Marie Louise; brooch na kilala bilang “reliquary brooch”; Tiara at brooch na pag-aari ni Empress Eugene ang asawa ni Napoleon III at isang tiara, kuwentas at single earing mula sa sapphire set na galing kay Queen Marie-Amelie at Queen Hortense.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.