-- Advertisements --

Naalarma ngayon ang Cebu City Emergency Operations Center (EOC) sa muling pagtaas sa kaso ng coronavirus disease(COVID-19) nitong lungsod mula sa single-digit na naitala sa mga nakaraang araw at kamakailan lang ay mas mataas pa ang bilang ng naidagdag na kaso kesa sa mga gumaling.

Kaugnay nito, nagbabala ang EOC na muling ipatupad ang lockdown bago magtapos ang buwan kung patuloy na tumaas ang kaso ng nasabing virus bawat araw.

Umapela pa sa publiko si Konsehal Joel Garganera, deputy chief implementor ng EOC na maging maingat at sundin ang mga health protocols upang bumaba ang transmission ng virus.

Iminungkahi pa ni Garganera na taasan ang parusa para sa mga first-time violators sa P1,000 upang mag-atubiling lumabag ang mga tao sa mga protocol na option na 8-oras na community service.

Hiniling din ang pulisya na striktong isagawa ang checkpoint at pagsuri sa mga pampublikong transportasyon kung sinunod ang mga health protocols.

Samantala, posible pa umanong irekomenda ng EOC ang granular lockdown ng lungsod.

Gayunpaman, kung lumala pa ay maaring kailangan na ang lockdown nitong lungsod tulad ng sa buwan ng Hulyo at Agosto.