-- Advertisements --

Naging matagumpay ang ginawang pirmahan ng Memorandum of Understanding ng tatlong organisasyon na Forum for the Future, Ocean Energy Pathway (OEP), at Friedrich-Ebert-Stiftung (FES) Philippines.

Layon ng nasabing aktibidad ay para maisapormal na ang dalawang taon na pagsasama para masuportahan ang ecologically safe at socially just energy transitionsa Pilipinas.

Pangunahin sa nasabing collaboration ay ang RE Compass na isang data-sharing at governance platform na ginawa para magbigay ng independent, participatory data sa biodiversity , natural resources at social impacts ng renewable energy developmen sa bansa.

Magbibigay ang RE Compass sa renewable energy developers, policymakers at host communities ng credible data kung saan ang RE projects ay iminumungkahi at ang mga ecological at social conditions sa mga lugar.

Sa loob ng dalawang taon na collaboration na magtatapos ng hanggang Marso 2027 ang RE Compass ay mabubuo sa tatlong bahagi.

Ang nuna ay nakatuon sa pagtayo ng coalition at pagtipon ng mga fragmented datasets sa biodiversity hotspots, ancestral domains at grid corridors.

Ang pangalawang bahagi ay doon ipapakilala ang prototypical digital platform para sa mga napiling lugar sa test data-sharing frameworks sa mga local government units at coastal communities.

Habang ang ikatlong bahagi ay layon na ma-socialize ang platform na maisasama sa national data infrastructure.