Iniimbestigahan na ng Southern Police District ang pananambang-patay sa BuCor Legal service chief Atty. Fredric Anthony Santos nitong Miyerkules ng hapon sa Muntinlupa City.

Si Santos ang isa sa controversial witness sa Senate hearing hinggil sa kontrobersya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

-- Advertisement --

Sinuspinde si Santos ng Ombudsman noong September ng nakaraang taon dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan sa pagpapatupad ng GCTA.

Anim na buwang suspension ang ipinataw ng Ombudsman kay Santos at magtatapos sana sa Marso.

Una rito, sakay ang biktima sa kanyang Toyota Hilux pick-up ng tambangan.

Binaril sa ulo si Santos na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Susunduin lamang ni Santos ang kaniyang mga anak sa eskwelahan nang barilin ng mga ‘di nakilalang suspek.

Naglunsad na ngayon ng manhunt operations ang PNP laban sa mga suspek.