CENTRAL MINDANAO- Patay ang tinuturing na top 1 most wanted sa Cotabato City ng itoy manlaban sa mga otoridad.

Nakilala ang nasawi na si Alip Kitab,41 anyos, may asawa at residente ng purok lagundongan, Barangay Kalanganan ll Cotabato City.

Isisilbi sana ng pinagsanib na pwersa ng 1404th RMFC, RMFB 14, Cotabato City PNP katuwang 10th SFC 5SFBN SFRA PA, CIB CCPO, RID PRO BAR at RIU 15 ang warrant of arrest laban sa suspek.

Nanlaban sa raiding team si Kitab at nagkaputukan kaya nasugatan ito.

Naisugod pa sa pagamutan ang suspek ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng apat na sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Narekober sa posisyon ni Kitab ang isang kalibre.45 na pistola at mga bala.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad.