-- Advertisements --

Malabong tanggapin ng Moscow ang alok ni Pope Leo XIV na lumahok ito sa peace talks kasama ang Ukraine sa Vatican, ayon kay Russian Foreign Minister Sergei Lavrov. 

Sinabi ni Lavrov na “unrealistic” o  hindi makatotohanan ang pagkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga delegasyon ng Russia at Ukraine sa Vatican.

Ayon pa sa Russian Foreign Minister, maaaring hindi maganda para sa mga bansang Orthodox na talakayin ang mga isyung may kinalaman para puksain ang ugat ng digmaan sa isang Catholic ground. 

Noong Martes, ipinahayag ni Pope Leo ang kanyang kahandaang mag-host sa Vatican ng susunod na round ng negosasyon upang wakasan ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.