-- Advertisements --
Binawi na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang suspensyon o moratorium sa inbound travel ng mga locally stranded individuals (LSIs) sa Western Visayas.
Nakapaloob ang partial lifting ng inbound travel sa Western Visayas sa inaprubahang Resolution 71 kahapon.
Kabilang sa mga apektadong lalawigan ang Guimaras, Iloilo, Negros Occidental at Antique, kasama na ang Iloilo City.
Magugunitang ipinatupad ang moratorium sa pagpapauwi ng mga LSIs sa Westerrn Visayas noong Setyembre 7 batay sa Resolution 69 ng IATF.
Nakapaloob sa bagong resolusyon na tanging mga nagbabalik na residente ang papayagang makapasok sa mga nabanggit na lalawigan at hindi kasama rito ang mga turista o bumibisita lamang.