-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ni Philhealth president Ricardo Morales ang alegasyong malawakang korupsyon o irregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kasabay nito ang hamon sa nagbitiw na si Thorrsson Montes Keith, PhilHealth anti-fraud officer na maglabas ito ng ebidensya.

Sinabi ni Morales, nasa 50,000 transactions araw-araw ang pinangangasiwaan ng PhilHealth kaya posibleng mayroong nakakalusot na korupsyon o “inefficiencies” pero walang ebidensya sa sinasabing sindikato o mafia.

Ayon kay Morales, dapat ilabas ni Keith kung may ebidensya siya sa korupsyon
Inihayag pa ni Morales na walang anti-fraud officer na posisyon sa PhilHealth.

“Kung may alam siyang corruption, ilabas niya. Mag-aantay pa siya ng August 31 [for his resignation to become effective]? Gawin na niyang Lunes o ngayon, kasi detrimental na ‘yung ano niya… it would compromise the corporation for him to stay, for him to have access to the resources of the corporation,” ani Morales.