-- Advertisements --
Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority ang ipinapatupad na number coding scheme sa ilang mga araw sa susunod na linggo.
Sinabi ni MMDA chairman Atty. Romando Artes na walang number coding sa araw ng Lunes Oktubre 30 dahil ito ay ang araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Kasama rin na suspendido ang number coding sa Nobyembre 1 at sa Nobyembre 2 dahil sa ito ay Holiday.
Pinayagan na rin nila pansamantala ngayong lingog ang mga buses na dumaan sa kahabaan ng EDSA mula alas 10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.
Nakatakdang maglagay ang MMDA ng nasa 1,400 na traffic enforcers na magbabantay sa kalsada sa nasabing mga araw.