-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa na ginagamot ang mister matapos tagain ng kanyang lasing na misis sa Brgy Bacjawan Norte ,Concepcion, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Master Sgt. Mark Gregory Barbo, imbestigador ng Concepcion Municipal Police Station, sinabi nito na magkasamang nag-inuman ang 67 anyos na mister at ang 48 anyos na misis.

Nang malasing, dito na at kinompronta ng mister ang kanyang misis hinggil sa umano’y pakikipagrelasyon nito sa ibang lalaki.

Unang nanakit ang mister at bilang ganti, tinaga siya ng kanyang misis gamit ang butchers knife.

Walang namang balak na magsampa ng kaso ang mister dahil mahal pa rin niya umano ang kanyang misis.