Roxas City – Sugatan ang isang 47-anyos na mister matapos na diumano naglaslas ng pulso sa Sitio Poblacion, Barangay Culasi, Roxas City.

Ito’y matapos na pinagbintangan ang hindi na pinangalanang biktima na siyang kumukuha ng mga nakasampay at nawawalang underwear sa kanilang barangay.

Dahil dito, hindi natanggap ng biktima ang alegasyon ng kanilang mga residente dahilan na nagtulak sa kanya na magpakamatay.

Sa interview ng Bombo Radyo sa kapatid ng biktima ay labis itong nasaktan sa mga sinasabi ng kanilang kapitbahay kung kaya’t naglaslas ito ng pulso gamit ang itak.

Aniya na sinasaktan din ng biktima ang sarili dahilan na nagtamo rin ito ng ilang mga sugat sa ilang parte ng katawan.

Agad naman itong dinala sa ospital para bigyan ng kaukulang lunas.

Maliban dito, bago pa ang insidente ay sinubukan pa nito na tumalon sa tulay ngunit mabilis naman itong napigilan ng mga nakakitang mga indibidwal.