TACLOBAN CITY – Wala ng buhay nang makita ang mag-asawa sa mismong bahay ng mga ito sa Barangay 109-A V&G Subdivision sa Lungsod ng Tacloban.

Kinilala ang mga ito na sina Rhea Mae Azucena, 28-anyos na private employee at ang asawa nito na si Jeffrey Azucena, 30, kapwa residente ng naturang barangay.

Ayon kay Pol. Maj. Jesus Rico Esoy, station commander ng San Jose Police Station 1 ng acloban City Police Station, madaling araw bago mangyari ang insidente ay narinig ng mga kapitbahay ng mga biktima ang pagtatalo ng mga ito.

Kinabukasan ay doon na natagpuan ang bangkay ng babaen na may sugat sa leeg sa second floor ng kanilang bahay, habang ang lalaki ay nakita sa kanilang kusina.

Sa inisyal na imbestigasyon, posible umano na dahil sa galit ng mister sa kanyang misis ay sinakal niya ito hanggang sa bawian ng buhay at pagkatapos ay nagpakamatay naman ito sa pamamagitan ng pag-inom ng nakakalasong bagay.

Isa naman sa tinitingnang anggulo ng pag-aaway ng dalawa ay dahil sa selos.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kung may foul play sa insidente.