ILOILO CITY – Labis ang pasasalamat ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos niregaluhan ng cellphone ng kanyang fan.

Napag-alaman na una nang inamin ni Rabiya na nanghihiram lang siya ng cellphone sa kanyang mga kapwa kandidata sa kasagsagan ng pageant.

Maliban dioi, inamin rin ni Rabiya na siya lang sa lahat ng mga kandidata ang may mumurahing cellphone dahil hindi niya kayang bumili ng mamahaling telepono.

Ayon sa twitter post ni John Chris, sinabi nito na may bago nang cellphone si Rabiya.

Natawa naman ang Ilongga beauty queen at sinabi na isang fan ang nagbigay sa kanya ng bagong cellphone.

Samantala, natanggap na rin ng 23 anyos na Ilongga beauty ang napanalunang kotse sa pagkapanalo niya sa pageant.

Sa kasaysayan rin ng Philippine pageantry, si Rabiya ang may pinakamalaking natanggap na cash prize na umaabot sa halos P1.6 million.