Miss Universe
-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Miss Universe organizers ang kanilang coronation night.

Sa social media post ng Miss Universe, gaganapin ang coronation night sa Disyembre 12 o Disyembre 13 ng alas-7:00 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Gaganapin ito sa Eilat City, Israel kung saan magiging host dito si Steve Harvey.

Ilan sa mga napiling maging performer ay si Noa Kirel.

Ililipat ni Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico sa mananalo sa pageant ang kanyang korona.

-- Advertisement --

Magiging pambato naman ng Pilipinas si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu.