Gazini whole body national costume
“I created a national costume that is somehow worthy for an international event. I took my inspiration from our national bird. The design is not as flamboyant but the details are very intricate. Its hand-stitched all coming from the same fabric with my signature laser cut patterns,” saad ni Cary Santiago.

Dalawang araw bago ang coronation night, tila mas tumaas ang kumpiyansa ng mga Filipino beauty pageant fanatics partikular sa Miss Universe.

Ito’y matapos umani ng positive reviews ang pambato ng bansa na si Gazini Ganados sa ginanap na preliminary competition kanina sa Atlanta, Georgia.

Dito ay nag-showdown ang mga kandidata sa kani-kanilang introduction, gayundin sa evening gown at swimsuit competition, at sa national costume.

Marami ang nagsabi na “well prepared” ang 23-year-old half Palestinian beauty na tubong Zamboanga sa harap ng international audience.

Suot ni Gazini ang kumikinang na kulay gold gown ng kababayan niyang Cebu-based master couturier na si Cary Santiago.

Nagsilbing host naman ang Pinay din at kasalukuyang Miss Universe titleholder na si Catriona Magnayon Gray.

Sa Lunes ng umaga, Manila time, tatangkain ni Gazini na maibigay ang back-to-back win at panglimang Miss Universe crown ng Pilipinas.

Una nang naiulat na ibibida nito sa big day ang “phoenix walk” na aniya’y parang lumilipad ang pakiramdam habang nasa Miss Universe stage.

Inilarawan niya naman bilang “gorgeous” at tila pinakabonggang irarampa ng Pilipinas ang kanyang magiging national costume may “touch” ng ating pambansang ibon.