-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay nang madatnan ng mga kasamahan ng trabaho ang isang miyembro ng municipal disaster risk reduction and management office nang magbigti ito gamit ang lubid na itinali sa leeg mismo sa hagdanan ng COVID-19 isolation building sa Barangay Poblacion, Gitagum, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Emie Bronson Taroy Salvador, 30, may asawa at residente mula sa Barangay Sambulawan, Laguindingan nitong lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Police Chief Master Sgt Junar Jarmin na nakakita umano ng pagkakataon nag biktima na kitlin ang kanyang buhay nang mag-iisa lamang ito sa pasilidad kaya tinalian nito ang leeg at nagpakamatay.

Sinabi ni Jarmin na dahil sa saktong bigat sa pangangatawan ng biktima ay sadya umanong napabilis ang pagkasawi nito.

Kinompirma rin nito na nag-Facebook live pa pa ang biktima habang ginawa ang pangyayari subalit agad deleted dahil nakapalabag naman nito sa mismong patakaran ng social media.

Natuklasan nila ng pulisya na dahil sa kinaharap na suliranin uko sa pamilya kaya nakapagdesisyon na magpakamatay ang biktima.

Magugunitang dati nang may kasaysayan ng suicidal attemp ang biktima noon kaya tuluyang nangyari ang hindi inaasahan.

Bagamat aminado naman ang mga otoridad at pamilya na walang foul play sa nasabing suicidal case kagabi.