iloilo negros occidental capiz antique guimaras aklan
Antique

ILOILO CITY – Binawian ng buhay ang isang misis matapos aksidenteng nabaril ng lasing na mister sa San Jose, Antique.

Ayon kay P/Lt. Col. Mark Darroca, hepe ng San Jose Municipal Police Station, bago pa man nangyari ang insidente, lasing na umuwi sa kanilang bahay ang mister at nagpaputok ng kanyang baril.

Dahil dito, lumabas ang misis sa kanilang bahay at sinundan ang mister patungo sa isang sari-sari store.

Inagaw pa umano ng misis ang baril ng kanyang mister ngunit aksidenteng nabaril sa kaliwang kili-kili ang biktima.

Dinala pa sa hospital ang misis ngunit binawi-an rin ito ng buhay.

Nasa kostudiya naman ng otoridad ang mister at sasampahan ng kaukulang kaso.