-- Advertisements --

ILOILO CITY – Milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa dalawang sunod-sunod na sunog sa lungsod ng Iloilo.

Unang naitala ang sunog sa isang residential area sa Barangay Concepcion, Iloilo City Proper na nagsimula kahapon ng umaga.

Umabot sa tatlong mga bahay ang totally burned samantala dalawa naman ang partially burned.

Kasunod nito, sumiklab din ang sunog sa residential area sa Barangay Gloria, Iloilo City Proper.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Fire Officer 2 Rolen Hormina, Arson investigator ng Bureau of Fire Protection Iloilo City, sinabi nito na halos lahat ng mga bahay ay gawa sa light materials kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy sa ibang mga bahay.

Ayon kay Hormina, anim na mga bahay sa Barangay Gloria ang totally burned at isa naman ang partially burned.

Sa ngayon, wala pang imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection sa dahilan ng pagkasunog sa dalawang mga barangay sa lungsod ng Iloilo.