-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Apektado ang paghahanda ng mga muslim partikular na sa Saudi Arabia para sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 ng (COVID-19) sa naturang bansa.

Ayon kay Marilou Rupa-Bacho, Tubong Leyte pero OFW sa Rakka Saudi Arabia, posibleng maapektuhan ang pag-uumpisa ng selebrasyon ng Ramadan ngayong Abril 23 dahil posibleng mag-extend pa ang lockdown sa bansang Saudi dahil na rin sa patuloy na pag taas ng naapektuhan at namamatay sa naturang lugar dahil sa covid.

Nitong nakaraang araw lamang ay nakapagtala ang Saudi Arabia ng 157 bagong kaso.

Ayon pa kay Bacho na taon-taon ay milyon-milyong Muslim bumibisita sa bansang Saudi.

Nakatakdang magsimula ang paggunita ng mga muslim sa banal na buwan sa Huwebes, April 23 na tatagal hanggang sa Sabado, May 23.