AFP ILOILO
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ng Philippine Army na pananagutin nila ang kanilang tauhan kapag napatunayan na nagkasala sa nangyaring shootout sa pagitan ng militar at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Sta. Barbara Iloilo.

Nasawi sa shootout si Jail Senior Inspector Andrew Larupay, District Jail Warden ng La Carlota City, Negros Occidental matapos pinaulanan ng bala ni Private First Class Bjourn Kirby Esposo na nakadestino sa 12th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na hihintayin pa nila ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring shootout.

Nilinaw naman ni Pancito na isolated case lang ang nangyari at hindi anya dapat na maging dahilan ng hidwaan sa pa