Hinipuan at tinangka pang halikan ng isang fan si American pop star Miley Cyrus habang naglalakad ito papunta sa kanyang kotse kasama ang asawa nitong si Liam Hemsworth sa Barcelona, Spain.

Batay sa video na kumalat online, makikitang sinusubukan ng “Malibu” singer na makadaan sa kumpol ng kanyang mga fans at photographers.

Kasunod nito, habang naglalakad si Cyrus sa likod ni Hemsworth, bigla na lamang itong hinatak ng isa nitong tagahanga sa buhok.

Bigla rin nitong inakbayan ang 26-year-old singer at sinubukan pang halikan.

Agad namang nakawala si Cyrus sa pagkakaakbay ng lalaki at nangialam na rin ang security sa insidente.

Napansin din ni Hemsworth na may nangyayaring hindi maganda kaya inakbayan nito ang kanyang asawa patungo sa kanilang kotse.

Sa kasalukuyan, wala pang komento siina Cyrus at Hemsworth tungkol sa pangyayari.