Hindi na sasabak pa si junior lightweight contender Mikaela Mayer sa nakatakda nitong laban sa Las Vegas matapos na magpositibo sa COVID-19.

Anunsyo ito ni Mayer dalawang araw bago ang sagupaan nila ni Helen Joseph sa Top Rank show sa MGM Grand Garden Arena.

Ayon sa dating US Olympian, laking gulat nito nang magpositibo ito sa virus gayong wala naman daw itong naramdamang kahit na anong sintomas.

“The rest of my team tested negative and they are all in good health,” wika ni Mayer. “I was really looking forward to bringing back boxing for all of you and I’m disappointed for myself, my team, my supporters and for my opponent.”

Ang tapatan nina Mayer at Joseph ay bahagi ng Shakur Stevenson-Felix Caraballo card sa MGM Grand.

Ito ang unang boxing card sa Las Vegas mula nang isara ang entertainment industry ng siyudad noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.