Sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging suhestiyon ni Cavite Governor Jonvic Remulla na isama ang mga middle-income families sa social amelioration program ng gobyerno.
Sinabi ng pangulo na may punto si Remulla subalit ang nagiging problema ngayon ay kakulangan ng pondo.
Ang inilaan na P270 billion para sa dalawang buwan na ayuda sa mga mahihirap ay nakaprograma na.
Pangunahing nasa listahan ngayon ay ang mga mahihirap dahil kapag hindi ito natulungan ng gobyerno ay mamamatay sila.
“I am reiterating that our most vulnerable citizens, most especially the poorest of the poor, must receive the government’s assistance immediately, kung hindi patay ‘yan sa gutom. Alam ko na we cannot just focus or zero in itong poorest of the poor, ang P100 billion for one month, or the P270 billion, for two months yan, nakaprogram na, as earlier estimated, is not enough. I’m calling on the secretary of finance to generate…. Magnakaw ka, maghiram ka, wala akong pakialam, i-produce mo ‘yung pera kasi ‘pag naubos na ito, hindi ko malaman,” wika ng pangulo.
Isinagawa ng pangulo ang pahayag sa national address nitong Lunes ng gabi.