Mahigpit na siguridad ang ipinatupad sa White House sa pagdalaw nina King Charles III at Queen Camilla, kasunod ng tangkang pag-atake kay President Donald Trump kamakailan.
Sa kabila ng heightened security, magiliw na sinalubong nina President Donald Trump at First Lady Melania Trump ang royal couple sa red carpet welcome.
Nagkaroon ng afternoon tea sa Green Room at ipinakita ang bagong White House beehive sa South Lawn.
Nakatakdang magbigay ng address to Congress si King Charles III sa Abril 28 at may state dinner na inihanda sa White House.
Kasama rin sa programa ang pagbisita sa 9/11 Memorial sa New York. Ang pagdalaw ay bahagi ng pagdiriwang ng 250th anniversary of U.S. independence.
Sa kabila ng tensyon kaugnay ng conflict sa Iran, binigyang-diin ng monarkiya na nananatiling matatag ang relasyon ng U.S. at U.K.














