-- Advertisements --

Nakatakdang magbigay ng talumpati si British King Charles II sa joint meeting ng US Congress.

Ayon sa Buckingham Palace , na isa ito sa mga aktibidad ni King Charles sa kaniyang pagdalaw mula Abril 27 hanggang 30.

Bukod pa dito ay magsasagawa din ito ng pulong kay US President Donald Trump.

Bibisita rin si King Charles at Queen Camilla sa Washington, DC; New York at Virginia.

Sasaksihan ni King Charles ang ika-250 anibersaryo ng US independence.

Ang matagal ng naiplanong pagbisita ay magpapatibay sa relasyon ng US at United Kingdom kahit na makailang ulit ng inatake ni Trump si British Prime Minister Keir Starmer dahil sa hindi pagbibigay ng tulong sa giyera ng US laban sa Iran.