-- Advertisements --

Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na matibay ang ebidensya laban kina Herminio “Harry” Roque Jr., Mylah Reyes Roque, at Percival Sazon Ortega.

Ayon sa imbestigasyon, nabigo silang magsumite ng tax returns at magbayad ng buwis sa paglilipat ng shares at pagtaas ng capital stock ng Biancham Holdings and Trading, Inc.

Higit P3.35 milyon ang tinatayang tax deficiency, kasama ang surcharges at interes.

Nakakita ang BIR ng probable cause upang kasuhan sila sa ilalim ng Sections 254 at 255 ng Tax Code.

Nagsampa rin ng hiwalay na kaso laban sa Terjonan Transport Company Inc. at mga opisyal nito dahil sa hindi pagbabayad ng VAT na nagkakahalaga ng P9.178 milyon.

Kinasuhan din si Niefel Mae Heria Demonteverde dahil sa hindi pagbabayad ng P8.44 milyon na delinquent tax liabilities.

Ayon kay Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, bahagi ito ng mas pinaigting na pagpapatupad ng Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR.