PNP 1
PNP

Matatanggap na ng nasa 195,000 mga pulis ang kanilang 2019 Midyear bonus.

Ito ay makaraang ipalabas ng Philippine National Police (PNP) ang aabot sa mahigit na P6 bilyon pondo para sa midyear bonus na katumbas ng isang buwang basic salary.

Subalit hindi naman makatatanggap ng bonus ang mga pulis na may nakabinbing kasong kriminal at administratibo.

Naipasok na sa indibidual ATM payroll accounts ng bawat pulis ang kanilang mga bonus.

Binigyang-diin naman ni Col. Banac na ang pag release ng mid-year bonus ay naglalayon para itaas ang morale ng bawat pulis.