Hindi makapaniwala si Michael Pacquiao na aabot sa mahigit 6 million views ang kaniyang pagkanta ng awiting “Hate” sa Wish Bus sa loob lamang ng limang araw.

Bukod pa rito ay umakyat ito sa pangatlong puwesto sa trending videos ng YouTube.

Ayon sa 18-anyos na anak ng fighting Senator Manny Pacquiao, labis ang kasiyahan nito dahil maraming nagkagusto sa kaniyang kanta.

Unang pangarap nito ay maging professional basketball player pero mas pinipili niyang maging singer.