-- Advertisements --
Balik sa number 6 spot ang Miami Heat sa Eastern Conference matapos na talunin ang Minnesota Timberwolves, 121-112.
Nagbalik na rin ang isa sa mga player ng Miami na si Tyler Herro makalipas ang anim na absent sa game dahil sa injury at agad na nagpakitang gilas gamit ang 27 points kabilang na ang anim na three point shots.
Si Jimmy Butler naman ay nagpakawala ng 25 points.
Ang Miami ay naghahabol sa huling spot sa playoff at umangat sa standings dahil sa pagkalaglag din ng Boston Celtics na nasilat ng Chicago Bulls.
Nag-ambag din naman sina Goran Dragic na may 23 points at si Bam Adebayo na nagtapos sa 15 para sa Heat (36-31).
Para naman sa Wolves (20-47) na laglag na sa playoffs ay nanguna si Karl-Anthony Towns na may kabuuang 27 points.