-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sangkaterbang mga war materials ang narekober ng Joint Task Force Central sa lalawigan ng Maguindanao.

Unang nakubkob ng militar ang anim na kampo ng Dawlah Islamiyah ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bulubunduking bahagi ng Barangay Saniag at Salman sa Ampatuan Maguindanao.

Narekober ng tropa ng 1st Scout Ranger Battalion sa nagpapatuloy na pagtugis ng Joint Task Force Central sa mga teroristang grupo ang mga war materials.

Kinomperma naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Spokesman at 6th CMO Battlion Commander Lt.Col.John Paul Baldomar umanot na rin sa 21 na myembro ng ng DI at BIFF ang kanilang napatay habang anim na kampo ang nakubkob at 19 na IED o war materials ang nabawi sa 13 araw na operasyon.

Target ngayon ng Joint Task Force Central ang hangganan ng mga bayan ng Ampatuan, Datu Hoffer at South Upi kung saan namataan ang grupo ni Salahudin Hassan.