-- Advertisements --

Sinuspendi na ng China ang lahat ng mga ultra-marathons at trail-running events matapos ang nangyaring madugong aksidente sa mountain race na ikinasawi ng 21 runners.

Ayon sa General Adminstration of Sports na kanilang ipapatigil ang lahat ng mga tinaguriang high-risk sports events na walang anumang ipinapatupad rules and safety standards.

Kabilang na suspendido ay ang mga mountain and desert trail running, wingsuit flying at ultra-long distance races.

Magugunitang 21 ang nasawi sa 100-kilometer ultra-marathon sa Gansu province.