-- Advertisements --

Mariing Itinanggi ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno ang umanoy ulat na magkakaroon ng palitan sa liderato ng Kamara.

Batay sa mga ulat mula sa ibat ibang sources papalitan umano si House Speaker Bojie Dy III at ang napipisil umano ng Malakanyang ay si House Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno.

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay DS Puno, mariin nitong itinanggi na papalitan niya si Isabela 6th District Rep. Bojie Dy III.

Pagtiyak ni Puno suportado niya Speaker Bojie Dy.

Nuong Lunes nagpulong pulong ang mga house leaders kasama si Speaker Dy at kanilang pinag usapan ang isyu kaugnay kay Zaldy Co.

Inihayag ni Puno na ang dahilan kung bakit pinalitan si Zaldy Co bilang chairman ng Committee on Appropriations dahil nawalan na ng tiwala sa kaniya ang mga house members.

Si Puno, ang chairman of the National Unity Party (NUP) ang ikalawa sa pinaka malaking partido sa Kamara sunod ito sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Si Puno ay kilala bilang staunch supporter ni dating House Speaker at Leyte 1st district Rep. Martin Romualdez. 

Pinalitan ni Dy si Romualdez ng magbitiw ito bilang speaker nuong September 17.

Si Romualdez ang Presidente ng Lakas-CMD, habang si Dy ay party-mate ni PBBM sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Inihayag ni Puno sa Bombo Radyo na hindi nito alam kung saan nanggagaling  ang nasabing usapin.

Samantala, ayaw ng patulan ni DS Puno ang anumang isyu laban kay Cavite Rep. Kiko Barzaga.

Sinabi ni Puno nakatakdang talakayin na ng Ethics Committee ang complaint laban kay Barzaga.