-- Advertisements --

Magsisilbing perimeter security ang mga sundalo na idedeploy sa lahat ng mga polling precints sa nalalapit na May 13 midterm elections.

Halos lahat kasi ng mga critical areas ay nasa areas of responsibility ng Western Mindanao Command (Wesmincom).

Batay sa Comelec Resolution tanging mga pulis lamang ang binigyan ng pahintulot na magsilbing mga board of election inspectors at hindi ang mga sundalo.

Pero sakaling magkaroon na ng worst case scenario at hindi na kaya ng PNP saka na papasok ang mga sundalo para maging BEIs batay sa magiging rekumendasyon ng Comelec.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wesmincom Spokesperson Col. Gerry Besana kaniyang sinabi, misyon ng mga sundalo na maging maayos at mapayapa ang halalan.

Sinabi ni Besana, habang magsisilbing mga board of election inspectors ang mga pulis, sisiguraduhin naman ng militar na sapat na seguridad ang kanilang ibibibigay.

Aniya, sa probinsiya ng Sulu at siyudad ng Marawi, 100 percent na mga pulis ang magsisilbing mga BEIs.

Kaya naka pokus ang militar sa mga lugar na nasa critical areas.

Pero may ilang lugar pa sa Western Mindanao na pulis ang mga BEIs.

Siniguro naman ni Besana nakahanda ang militar sa magiging worst case scenario.

Mahigpit din ang bilin ni Wesmincom Commander Lt Gen. Arnel Dela Vega na manatiling non partisan at apolitical.