Bahagyang nabawasan na ang mga stranded na mga pasahero at cargoes mula sa 46 na pantalan matapos masuspendi ang kanilang biyahe ngayong araw ng Sabado.
Ito ay dahil patuloy pa rin ang buhos ng mabibigat na pag-ulan sa bansa kahit pa nakalabas na ng bansa ang bagyong Crising.
Base sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-4:00 ng hapon ngayong Sabado, bumaba sa 869 ang bilang ng stranded na mga pasahero, truck drivers at cargo helpers, gayundin ang nasa 428 na rolling cargoes, 46 barko at 7 motorbancas na na-stranded.
Hindi naman bumiyahe pa at pansamantalang nakisilong ang nasa 52 barko at 76 na motorbancas dahil sa patuloy na masungit na panahon.
Na-monitor ang mga stranded na pasahero mula sa mga pantalan sa NCR-Central Luzon, Bicol, Southwestern Mindanao, Central Visayas, Palawan, Southern Tagalog, Western Visayas, Eastern Visayas, at Southern Visayas.