-- Advertisements --

Umani ng magkakahalong reaksyon mula sa senador ang rekomendasyon ni United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan na buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sinabi ni Senator Chiz Escudero, na hindi dapat buwagin ang NTF-ELCAC dahil malinaw na ang layon nito ay masilip at tugunan ang ugat ng insurhensiya.
Bilang dating gobernador ng Sorsogon ay nakinabang sila maraming proyekto ng NTF-ELCAC.

Ipinapaubaya naman ni Senador Nancy Binay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbuwag ng NTF-ELCAC.

Dagag pa ng Senador na maaring tanungin ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung mayroon pang halaga ang nasabing task force.

Sa panig naman ni Senate Minority leader Koko Pimentel na dapat na rin i-abolish ito dahil sa mahirap i-liquidate ang pondo ng nasabing taskforce.