-- Advertisements --
NAGA CITY- Tinatayang halos nasa 70% na umano sa mga residente ng Kentucky states sa Estados Unidos ang nakapag boto na Online.
Ito’y may kaugnayan sa napapalapit na USA presidential Election sa Estados Unidos.
Sa report ni Bombo International Correspondent Rowena Quistopea, sinabi nito na isa ang mga residente ng nasabing lugar sa sumunod sa kagustuhan ng gobyerno na maagang bumoto.
Ayon kay Quistopea, marami sa mga residente dito ang nakapagboto online ngunit may ilan parin ang pinili na pumila upang personal na makapagboto sa mga voting presint.
Sa ngayon kasalukuyan umanong namamayagpag ang Democratic Presidential Candidate na si Joe Biden sa Estados Unidos.