TUGUEGARAO CITY-Nagsagawa ng peace rally ang ilang mamamayan ng Bauko,Mt.Province kanina at nanawagan na umalis na sa lugar ang mga New People’s Army.

Sinabi ni Mayor Abraham Akilit,nagdudulot na umano ng takot sa mga residente ang presensiya ng NPA sa kanilang lugar matapos ang nangyaring ilang engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at mga otoridad kamakailan.

Sa katunayan,isinasailalim umano ngayon sa stress debriefing ang mga apektadong mga residente sa nangyaring labanan.

Sinabi pa ni Akilit na apektado na rin ang kanilang turismo matapos na pansamantalang ipagbawal ang pagtungo ng mga turista at mga magsasaka sa mga bundok at mga sakahan para sa kanilang kaligtasan.